Entry No. 3: Nagsusukang Bolpen

Photo-0048

 

Nagsusukang Bolpen. 
Fiction/Prose

Sawang sawa na sa kakatitig sa blankong papel. Blanko? Paano mo naman nasabing blanko eh may mga linya ng naka-imprinta?

Bughaw at itim, pasalin salin sa mumurahing papel. Minsan di pa malinis ang linya at ang mas nakakainis ay kapag di ito pumantay susunod na pahina. Nakaka-OC. Ang sarap himayin sa stapler ng notebook. Pero kahit lahat ay mayroon nang linya ay wala pa rin talaga itong laman. Pagbinuklat mo naman ang naunang pahina, puro naman mga pagkurit ng bolpen ang makikita, na nagtatala pa sa likod. Punong-puno ng mga suka ng tinta.

May dalawang punto ako rito, mga tanong. Una, paano ang isang papel na punung-puno ng kulay, punung-puno ng mga pagdausdus ng tinta sa papel ay magmukhang walang laman? At parang mas may laman pa ang blankong papel? Pangalawa, bakit nauso ang sabihing nagsuka ang bolpen kapag sa kabilang dulo naman lumabas ang tinta? Di ba parang nagtae? Kasi nga yung pinanglalapat sa papel ay iyong bibig. Kung gan’un eh di parang mas akma kung sabihin natin na pagnagsusulat tayo ay doon talaga nagsusuka ang bolpen? O kaya naglalaway? O baka naman umiiyak?

Mapapabuntong-hininga bigla at mapapalingon sa mukha ng mga kaklase na di mo pa rin tanda ang mga pangalan. At umaalingawngaw ang boses ng guro na wala naman ibang ginawa kun’di basahin ang mali-maling textbook. Cake-Keyk, Bertdey Keyk, ‘Di na d’yan maiiwasang lumipad ang utak. Nakakaantok. Mapapansin mo na lang na nahuhulog na pala ang lapis, kukuhain, at saktong lalapat ang ulo sa armchair na kinauupuan mo. Sarap matulog. Sana ‘di mahalata ni Sir. At prenteng ipipikit ang mga mata.

Kasabay nitong matutunaw ang ulo na tatala sa papel, bubuo ng mantsa na parang isang lawang walang naaaninag na alon sa desk na may nakasulat na ‘I love you, txt me 09826642552,’ ‘Tanga ka’. Habang ang kamalayan mo naman ay nakatulala kasama ang mga ulap—kasama ang nakapakong Kristo katabi ni Rizal at Aguinaldo….Bahala na ang panaginip lumusong sa nanunubig mong mga mata, tatalon at diretsung malulunod sa lusay lusay mong mga labi. Gustuhin mo mang umalis at magwalk out ay di pwede—sayang ang mga papel na may mukha.

 

Note: I am not here to make sense

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s