15497778_1079990632127661_1398270457_n

Dati ko nang nasabi na di si Rizal o Bonifacio ang kailangan natin…mas nangangailangan tayo ng isang Mabini.
Kailangan natin ng mga tao’ng nasa posisyon na may alam, dahil sila ang may kakayahang magsalita at ipaglaban ang dapat ipaglaban hanggang sa kaya nila. ‘Yung tipong kahit may sakit na ‘yung tao at di na kayang maglakad ay magtratrabaho pa rin. ‘Yung tipong kahit ang dami ng duming itinatapon sa kanya (syphilis daw lol), ay siya pa ‘tong hihingi ng tawad dahil sa pagiging ‘maculit’ niya sa mga isyung ipinaglalaban niya. Ultimo karwahe ng punerarya ay rerentahan makadalo lang sa mga official events (hardcore ni mabini XD).
Ngunit mali pala ako.
Sa panahon ngayon, mas lalo lang pala siyang lulumpuhin kung nagkataon.
Kahapon, nakakuha ako ng commemorative five peso coin ni Mabini. Wala lang, matagal ko na kasing gusto makakuha n’on. And ano lang, napa-isip lang bigla. Sorry kung #random